Tuesday, March 2, 2010

Chicken Teriyaki








Sa wakas! Makakapagsulat na ako ng blog na pwede kong sabihing sa akin galing ang mga pics ng pagkain. Harhar!

Nagrequest si test subject number #2 na magluto ako kagabi ng chicken teriyaki. Ampalaya con carne dapat ang ulam namin at dahil pareho kaming masiba sa karne eh pinaunlakan ko ang hiling niya. Ang usapang matino eh bawal ang makialam sa pagluto ko. BAWAL ang etchoserang frogs sa kitchen.


CHICKEN TERIYAKI
- chicken breasts or thighs (WITH skin!)
- Kikkoman teriyaki sauce (yung with garlic)
- sugar
- ginger (sliced into cubes)
- soy sauce
- vinegar (as substitute for Japanese sake)
- minced garlic (about 1 tsp)
- oyster sauce (just a dollop!)
- pepper

Mix teriyaki sauce, ginger, soy sauce, vinegar and sugar in a bowl. Kapag tama na ang timpla ng marinade according to your taste, put in chicken breasts/ thighs. Siguraduhin mo na lang na ang unang mailalagay sa marinade ay yung side ng manok na may balat. Marinade both sides for at least 15 minutes each. DO NOT throw away the marinade as magagamit ito later for the sauce.

In a frying pan (I HIGHLY recommend using a non-stick pan), heat cooking oil. Adjust flame to medium heat. Cook chicken (yung side with skin) until medium to dark brown. Adjust flame to low heat and cook the other side of the chicken. Make sure na maayos ang pagkakaluto mo ng manok. It should be SOFT and juicy on the inside, the skin should be soft and moist as well. Hindi fried chicken and niluluto natin. Think lechong manok. Ganun dapat ang pagkakaluto ng chicken mo. Kapag luto na, set it aside.

Prepare another pan (non-stick sana ulit) and heat a small amount of oil. Saute garlic while making sure that your flame is set on low heat. Add the left over marinade and continue stirring until it thickens. You can add a dollop of oyster sauce, vinegar and sugar until you reach your desired taste. Teriyaki sauce should taste like a combination of soy sauce and barbeque sauce. You can also add sesame seeds.

Ayaw ni test subject #2 na may sesame seeds ang teriyaki sauce niya kaya hindi na ako nagdagdag. Saktong dating naman sa kusina ni test subject #1 at nagreklamo na ayaw niyang nakabuhos sa chicken niya ang teriyaki sauce. Bago ko pa sila mapukpok ng frying pan, inilagay ko sa kanya-kanya nilang plato ang manok with a cup of rice at dun as ibabaw ng kanin ko nilagay ang sauce. Sa isang maliit na serving bowl ko naman nilagay ang niluto kong teriyaki sauce just in case gusto pa nilang dagdagan ang sauce sa mga plato nila. Matapos ang feeding frenzy, sabi ni test subject #1,"Masarap. Lasang tunay na teriyaki." Kasunod namang nag-comment si test subject #2 ng "Pwede na." at sabay na dakot sa ikalawang piraso niya ng manok. May pekeng teriyaki ba?! Pwede na?!!! Anak ng tipaklong na hubo! (*Hinga ng malalim*) Oh well, it's still a complement. I'll take it in any way I can. At dahil busog naman sila pareho at naglahong parang bula ang mga manok eh mukhang successful naman ang mission ko. For now.

Tuna Carbonara


Hindi ako mahilig sa white sauce. Noon. Si Mac ang unang nakakumbinsi sa akin na masarap pala ang carbonara. In homage to his cooking, ginaya ko ang recipe niya at yun ang hinanda ko sa potluck with my college friends. In ferlaloo, bumenta naman sa gang. At gaya ng sabi ko, kung susubukan mong lutuin ito, gumawa ka muna ng test batch. Ayon sa isang test subject, itago na lang natin siya sa pangalang Etchuserang Frog #1, pwede na ang style ko ng pagluto. Sabay higop ng sauce sa ikatlong plato niya ng carbonara ko.

TUNA CARBONARA
(good for 5-10 persons, depende na rin sa katakawan nila)

- 500 grams San Remo Spinach Fettucine
- 5 cloves of garlic, finely chopped
- half an onion
- 3 tetrapacks ng Alaska All Purpose Cream
- 1 tetrapack ng Milk Magic Full Cream Milk
- 2 cans Century Tuna in Oil (medium sized can)
- 1 can Century Tuna HOT AND SPICY
- 1/2 tsp McCormick ITALIAN seasoning
- 2 cubes Knorr Beef Cubes
- salt and pepper to taste


Saute garlic and onion. Una kong ginigisa ang bawang hanggang sa slightly brown siya. Sunod ang sibuyas. Kung sibuyas na pula, hintayin mo munang mamutla ng kaunti. Ihalo sa gisa ang tuna (both spicy and plain). Kapag gisado na ang tuna, lagyan ng kaunting paminta. Hinaan mo na ang apoy at sunod na ibuhos ang cream. Dahan dahan lang para hindi masunog. Lagyan na din ng milk. Haluin. Hatiin ng mas maliliit na piraso ang mga beef cubes at ilagay sa sauce. Haluin ulit ng mabuti at lagyan pa ng paminta. Make sure na tunaw na ang beef cubes unless gusto mong may mahilo sa alat ng sauce nila. Tikman mo ang sauce. Minsan para may hint of butter naglalagay ako ng 1 tsp of Dairy Creme Lite sa sauce after ko idagdag yung cubes. Para lang mauto ang kakain na butter ang ginamit ko at hindi vegetable oil. By this time, malasa na ang sauce mo. To add an Italian flair at para din mabawasan ang langsa, ihalo mo na ang 1/2 tsp ng Italian seasoning mo. Haluin ng mabuti. Eto na ang stage na dapat hayaan mo lumapot ang sauce mo para hindi mapagkamalan na sopas ang ulam niyo. Make sure na hinahalo mo siya under low heat for at least 3-5 minutes.

Kapag luto na ang sauce, set it aside and start cooking your pasta. I recommend San Remo's spinach fettucine for its color. Although amoy damo (hindi juts ha. plain lang na damo), lasang everyday pasta lang siya. Andun na din sa packaging ang instructions so hindi ka mahihirapan. Ang payo ko lang ay huwag mo babaliin sa gitna ang noodles. It's supposed to be served long. Minsan, ang TAGAL bago kumulo ng tubig kaya takpan mo yung pot para kumulo ng mas mabilis. Madali lang lutuin ang pasta. Relax. Kapag nga pala i-serve mo na ang potaheng itetch, samahan mo ng parmesan cheese para kinda sowsyal.

Note to self: Kung may bisitang may almoranas, bigyan ng ample warning na spicy ang dish para walang reklamo.

P.S.
Pic was again lifted off Google. No pics were taken last Feb. 20, 2010 as we were all busy stuffing our faces and having fun. Har!

Thanks to Mac Mergilla for teaching me his recipe! Sa uulitin!

Monday, March 1, 2010

Coffee Jelly


Tag-init ngayon. Binabaha ng pawis kilikili ko. May dapat akong tapusin na babasahin pero, anak ng teteng, tinatamad ako. Parang gusto ko na lang matulog kahit feeling ko kasing-bantot ko ang isang construction worker na bilad sa araw at kakapit ang amoy sa kama ko. Nevahmind. Dadakdak na lang ako sa blog ko.

Mainit. Inaantok ako. Gusto ko ng kape pero ayoko ng mainit na kape. May instant coffee naman sa baba pero masokista ako ngayon kaya gusto kong pahirapan sarili ko sa paggawa ng coffee jelly. Kuwento ko na lang muna kung paano ako gumawa nito kasi ayoko pa bumaba at magluto. Tinatamad nga kasi ako.

Eto nga pala ang una kong post. Para sa mga nagbabasa nito, and for future reference, hindi ako avid fan ng measurements. Kapag nagluluto ako kung ano ang feel ko na ihalo, ihahalo ko. Kung lulutuin mo ang mga niluto ko, gumawa ka muna ng test batch bago ka maghain sa madlang people. Kung buhay pa at masasaya ang test subjects mo, bravo! Nagkataon eh saksakan ng mga reklamador mga test subjects ko kaya para sa akin, basta buhay pa sila at naubos ang pagkain, pwede na.

COFFEE JELLY
- 2 small boxes ng clear jelly
- kapeng barako
- asukal. madaming asukal.
- all purpose cream, dalawang tetra pack pwede na
- condensed milk

Lutuin mo na muna ang jelly. Nasa box naman ang instructions ng tamang pagluto ng jelly pero minsan binabawasan ko ang recommended amount of water para mas chewable. Ayoko kasi ng jelly na nilulunok lang. Basta ingat kasi baka maging bubble gum naman niluluto mo.Habang nasa kawali, lagyan mo na ng kape at asukal ang mixture. Mahilig ako sa matamis kaya madaming asukal ang nilalagay ko sa jelly at kape. Ang payo ko eh gawing matapang at matamis ang timpla mo ng kape dahil pag nalagyan na ng cream, nawawala ang lasa ng coffee. Kapag tapos ka na sa pagtimpla, ilagay ang mixture sa isang metal tray or tupperware at palamigin. Siguraduhin mo na kapag malamig na ang jelly, pwede mo itong hatiin sa maliliit na cubes. Kung gaano kalaki at kahaba, ikaw na bahala. Kapag handa na ang cubes, sa isang separate bowl eh paghaluin mo na ang cream at condensed milk. Again, ikaw na bahala kung gaano katamis ang timpla mo nito. Kadalasan, sa isang tetra pack ng cream eh 2-3 tablespoons ng condensd milk ang nilalagay ko. Palamigin. Kapag malamig na ang cream at coffee cubes, pwede mo silang paghaluin sa isang lalagyan or kung may budget ka eh ikaw na maglagay sa mga baso ng cubes at cream. Para walang lamangan na magaganap kung may masiba kang guest.

Kadalasan, or sa buhay ko lang naman, kung hindi ka magkakamali eh hindi ka matututo. Ikaw ang bahala sa buhay mo. Ikaw ang bahala sa lulutuin mo. Ang recipes ay guidelines lang. Hindi ito isang set of rules na kapag nilabag mo eh expelled ka na.


(P.S. Ang larawan ng coffee jelly eh galing lang sa Google. Sabi na nga kasing tinatamad ako. Tiis tiis na lang muna sa pic ng iba.At least may idea ka kung ano itsura nito in real life.)