Monday, March 1, 2010

Coffee Jelly


Tag-init ngayon. Binabaha ng pawis kilikili ko. May dapat akong tapusin na babasahin pero, anak ng teteng, tinatamad ako. Parang gusto ko na lang matulog kahit feeling ko kasing-bantot ko ang isang construction worker na bilad sa araw at kakapit ang amoy sa kama ko. Nevahmind. Dadakdak na lang ako sa blog ko.

Mainit. Inaantok ako. Gusto ko ng kape pero ayoko ng mainit na kape. May instant coffee naman sa baba pero masokista ako ngayon kaya gusto kong pahirapan sarili ko sa paggawa ng coffee jelly. Kuwento ko na lang muna kung paano ako gumawa nito kasi ayoko pa bumaba at magluto. Tinatamad nga kasi ako.

Eto nga pala ang una kong post. Para sa mga nagbabasa nito, and for future reference, hindi ako avid fan ng measurements. Kapag nagluluto ako kung ano ang feel ko na ihalo, ihahalo ko. Kung lulutuin mo ang mga niluto ko, gumawa ka muna ng test batch bago ka maghain sa madlang people. Kung buhay pa at masasaya ang test subjects mo, bravo! Nagkataon eh saksakan ng mga reklamador mga test subjects ko kaya para sa akin, basta buhay pa sila at naubos ang pagkain, pwede na.

COFFEE JELLY
- 2 small boxes ng clear jelly
- kapeng barako
- asukal. madaming asukal.
- all purpose cream, dalawang tetra pack pwede na
- condensed milk

Lutuin mo na muna ang jelly. Nasa box naman ang instructions ng tamang pagluto ng jelly pero minsan binabawasan ko ang recommended amount of water para mas chewable. Ayoko kasi ng jelly na nilulunok lang. Basta ingat kasi baka maging bubble gum naman niluluto mo.Habang nasa kawali, lagyan mo na ng kape at asukal ang mixture. Mahilig ako sa matamis kaya madaming asukal ang nilalagay ko sa jelly at kape. Ang payo ko eh gawing matapang at matamis ang timpla mo ng kape dahil pag nalagyan na ng cream, nawawala ang lasa ng coffee. Kapag tapos ka na sa pagtimpla, ilagay ang mixture sa isang metal tray or tupperware at palamigin. Siguraduhin mo na kapag malamig na ang jelly, pwede mo itong hatiin sa maliliit na cubes. Kung gaano kalaki at kahaba, ikaw na bahala. Kapag handa na ang cubes, sa isang separate bowl eh paghaluin mo na ang cream at condensed milk. Again, ikaw na bahala kung gaano katamis ang timpla mo nito. Kadalasan, sa isang tetra pack ng cream eh 2-3 tablespoons ng condensd milk ang nilalagay ko. Palamigin. Kapag malamig na ang cream at coffee cubes, pwede mo silang paghaluin sa isang lalagyan or kung may budget ka eh ikaw na maglagay sa mga baso ng cubes at cream. Para walang lamangan na magaganap kung may masiba kang guest.

Kadalasan, or sa buhay ko lang naman, kung hindi ka magkakamali eh hindi ka matututo. Ikaw ang bahala sa buhay mo. Ikaw ang bahala sa lulutuin mo. Ang recipes ay guidelines lang. Hindi ito isang set of rules na kapag nilabag mo eh expelled ka na.


(P.S. Ang larawan ng coffee jelly eh galing lang sa Google. Sabi na nga kasing tinatamad ako. Tiis tiis na lang muna sa pic ng iba.At least may idea ka kung ano itsura nito in real life.)

2 comments:

  1. Uy thanks dito sa recipe na to. :)

    ReplyDelete
  2. gusto ko sana itong ibenta lalo na sa mga estudyante dito

    ReplyDelete