Tuesday, March 2, 2010

Tuna Carbonara


Hindi ako mahilig sa white sauce. Noon. Si Mac ang unang nakakumbinsi sa akin na masarap pala ang carbonara. In homage to his cooking, ginaya ko ang recipe niya at yun ang hinanda ko sa potluck with my college friends. In ferlaloo, bumenta naman sa gang. At gaya ng sabi ko, kung susubukan mong lutuin ito, gumawa ka muna ng test batch. Ayon sa isang test subject, itago na lang natin siya sa pangalang Etchuserang Frog #1, pwede na ang style ko ng pagluto. Sabay higop ng sauce sa ikatlong plato niya ng carbonara ko.

TUNA CARBONARA
(good for 5-10 persons, depende na rin sa katakawan nila)

- 500 grams San Remo Spinach Fettucine
- 5 cloves of garlic, finely chopped
- half an onion
- 3 tetrapacks ng Alaska All Purpose Cream
- 1 tetrapack ng Milk Magic Full Cream Milk
- 2 cans Century Tuna in Oil (medium sized can)
- 1 can Century Tuna HOT AND SPICY
- 1/2 tsp McCormick ITALIAN seasoning
- 2 cubes Knorr Beef Cubes
- salt and pepper to taste


Saute garlic and onion. Una kong ginigisa ang bawang hanggang sa slightly brown siya. Sunod ang sibuyas. Kung sibuyas na pula, hintayin mo munang mamutla ng kaunti. Ihalo sa gisa ang tuna (both spicy and plain). Kapag gisado na ang tuna, lagyan ng kaunting paminta. Hinaan mo na ang apoy at sunod na ibuhos ang cream. Dahan dahan lang para hindi masunog. Lagyan na din ng milk. Haluin. Hatiin ng mas maliliit na piraso ang mga beef cubes at ilagay sa sauce. Haluin ulit ng mabuti at lagyan pa ng paminta. Make sure na tunaw na ang beef cubes unless gusto mong may mahilo sa alat ng sauce nila. Tikman mo ang sauce. Minsan para may hint of butter naglalagay ako ng 1 tsp of Dairy Creme Lite sa sauce after ko idagdag yung cubes. Para lang mauto ang kakain na butter ang ginamit ko at hindi vegetable oil. By this time, malasa na ang sauce mo. To add an Italian flair at para din mabawasan ang langsa, ihalo mo na ang 1/2 tsp ng Italian seasoning mo. Haluin ng mabuti. Eto na ang stage na dapat hayaan mo lumapot ang sauce mo para hindi mapagkamalan na sopas ang ulam niyo. Make sure na hinahalo mo siya under low heat for at least 3-5 minutes.

Kapag luto na ang sauce, set it aside and start cooking your pasta. I recommend San Remo's spinach fettucine for its color. Although amoy damo (hindi juts ha. plain lang na damo), lasang everyday pasta lang siya. Andun na din sa packaging ang instructions so hindi ka mahihirapan. Ang payo ko lang ay huwag mo babaliin sa gitna ang noodles. It's supposed to be served long. Minsan, ang TAGAL bago kumulo ng tubig kaya takpan mo yung pot para kumulo ng mas mabilis. Madali lang lutuin ang pasta. Relax. Kapag nga pala i-serve mo na ang potaheng itetch, samahan mo ng parmesan cheese para kinda sowsyal.

Note to self: Kung may bisitang may almoranas, bigyan ng ample warning na spicy ang dish para walang reklamo.

P.S.
Pic was again lifted off Google. No pics were taken last Feb. 20, 2010 as we were all busy stuffing our faces and having fun. Har!

Thanks to Mac Mergilla for teaching me his recipe! Sa uulitin!

3 comments:

  1. Coolness Rotsi! Nice blog you got here, keep it up! ;)

    Nagutom tuloy ako bigla.

    ReplyDelete
  2. Hehe. Thanks peep! Sige post pa ako ng mga recipes. :)

    ReplyDelete